Donaire, panalo sa kanyang comeback fight kontra Campos ng Chile

Ipinakita ni “The Filipino Flash” Nonito Donaire sa sambayanang Pilipino na hindi hadlang ang edad para hindi maangkin ang World Boxing Association (WBA) interim bantamweight belt sa laban nito kontra kay Andres Campos ng Chile kung saan tinalo ni Donaire si Campos via technical decision.
Kahit tinamaan ng headbutt si Donaire, hindi ito nakitaan ng pangangalawang para tuluyang makuha ang tagumpay.
Inihinto na nag referee ang laban sa 9th round kung saan bumase ang mga hurado sa scorecards at dito lumabas ang 87-84, 87-84 at 88-83 puntos para makuha ang technical decision win.
Dahil sa panalong ito ni Donaire ay mayroon na itong 43-8 win-loss record kung saan 28 sa mga panalo nito ay knockouts habang si Campos naman ay mayroong 17 wins, 2 loss at 1 draw.
Ito ang unang panalo ni Donaire mula noong huli nitong labanan ang kapwa Pilipinong si Reymart Gaballo kung saan nanalo si Donaire via KO noong 2021.
Natalo si Donaire nina Naoya Inoue ng Japan noong 2022 via TKO at ni Alexandro Santiago ng Mexico noong 2023 via Unanimous Decision.
Samantala, ang mananalo naman sa pagitan nina WBA bantamweight champion Antonio Vargas ng Amerika at Daigo Higa ng Japan sa Hulyo 30 ang haharapin ni Donaire sa kanyang sunod na laban.
