Danilo Fresnido nakuha ang silver medal sa 2024 World Masters
Nakakuha si Danilo Fresnido ng silver medal sa Men’s 50+ Javelin Throw event sa 2024 World Masters Athletics Championship sa Gothenburg, Sweden.
Nasungkit ni Fresnido ang pangalawang pwesto na may layong 56.34 metro.
Samantala, sa unang araw ng torneo ang mga masters sprinter na sina John Aguilar at Brenda Zinampan kasama ang pole vaulter na si Judith Staples ay nagpakitang gilas na agad.
Si Zinampan ay nasa ika-12 na pwesto sa 100 meter women’s event na nagrerehistro ng oras na 14.04 segundo sa qualifying round at lilipat sa semifinals.
Nagtapos si Aguilar sa ika-5 pwesto sa 100 meters men’s event heat 2 na may 12.75 segundong pagganap habang tinapos ni Staples ang kanyang pole vault event sa ika-6 na puwesto sa pagtalon ng 2.0 metro.
Sa ikalawang araw naman ng palaro ay nakita si Dolly Claravall sa Hammer Throw na may 27.01 meter na performance at 22nd place overall ranking sa highly contested W50 category.
Nagtapos si Hurdler Edward Kho sa ika-5 sa heat 2 ng 400 meter men’s event at niraranggo ang ika-19 sa pangkalahatan na may 1:10.13 performance.
Nakakita ng aksyon si Zinampan sa 100 meter women’s event na may 14.40 segundo, na nagtapos sa 22nd spot.
Labing-isang miyembro ng National Masters & Senior Athletics Association of the Philippines ang sumabak sa 2024 World Masters Athletics Championship na nagsimula noong Agosto 13 at matatapos sa Agosto 25.