Charly Suarez, tuloy ang ensayo sa Estados Unidos vs. Navarrete

Nasa Estados Unidos na ngayon si Charly Suarez upang ituloy ang pagsasanay para patalsikin sa trono ang Mexican knockout artist na si Emmanuel Navarrete para sa WBO junior lightweight title sa Mayo 10 sa Pechanga Arena sa San Diego, California, USA.
Para kay Suarez, mahalaga ang labang ito dahil ito’y isang malaking pangarap para sa kanya sa larangan ng professional boxing.
Ayaw ni Suarez, inaasahan niyang hindi mawawalan ng saysay ang mga paghihirap at pagsasanay na ginawa ng kanyang kampo para sa napipintong laban nito sa susunod na buwan.
“Ito na yung pinag-ensayuhan ko talaga, kami ni coach na kunin namin iyung pagkakataon na ibinigay sa amin kasi maaaring last na, pero hindi ako papayag na ganoon na lang kasi passion ko itong boxing eh, simula noon hanggang ngayon iyung mga hindi ko na-achieve sa amateur na mag-medal sa Olympics dito ko kukunin sa pro,” dagdag ni Suarez.
Si Suarez ay may malinis na record na 18-0 kasama ang 10 panalo mula sa knockouts.
“Every day yan, na once na pumasok yung chance na dumating sa akin, eh wag ko na pakawalan, kasi dumaan na iyan sa akin way back 2016 Rio Olympics na ‘di ako naka-medal, dun ko na-realize na ‘di na pwedeng maibalik yung pagiging Olympian ko,” ani Suarez.
Kumpiyansa naman ang head trainer ni Suarez na si Delfin Boholst na 90 porsyento nang handa si Suarez sa laban ni kay Navarete at maituturing nito na isang big fight ang magaganap kanyang pro career, mula nang nagsimula ito noong huling bahagi ng 2019.
