Carlos Yulo nagpasalamat sa suporta ng sambayanang Pilipino

Jet Hilario
Photo Courtesy: RTVM

Pinasalamatan ni two-time olympic gold medalist Carlos Yulo ang sambayanang Pilipino sa ibinigay na suporta at dasal ng bansa para sa mga atletang Pilipino na sumabak sa Paris Olympics. 

Nagpasalamat din si Yulo sa Philippine Olympic Committee o POC at maging sa Gymnastics Association of the Philippines (GAP) sa suportang ipinagkaloob sa kanila habang nakikipag kompetensya sa Paris. 

Sinabi ni Yulo na naging malaking parte ng pagkakapanalo niya at ng ilang atleta sa Paris Olympics ay ay pagkakaroon ng Training Camp sa Metz. 

Hinikayat din ni  Yulo ang kanyang mga kapwa atleta na mas galingan pa nila sa mga darating pang Kompetisyon.

Matatandaang si Yulo ay nagwagi ng dalawang olympic gold medal sa sa gymnast para sa floor exercise at vault exercise, siya rin ang kauna-unang Pilipino athlete na nanalo ng dalawang gintong medalya sa isang Olympic Game.