Carlo Palaam namaalam na sa Paris Olympics

Jet Hilario
Photo Courtesy: Mohd Rasfan, AFP (ABS-CBN News)

Tuluyan nang nagpaalam sa medal contention sa Paris Olympics ang boxer na si Carlo Paalam matapos matalo kay Charlie Senior ng Australia sa men’s 57 kg quarterfinals match. 

Itinuturing ni Paalam na isa si Senior sa mga mabigat niyang nakalaban. 

Sa una at ikalawang round, halos kapwa patas ang dalawa sa palitan ng suntok. 

Subalit sa huli ay nanaig pa rin ang Australyanong boksingero via split decision sa score na 30-27, 29-28, 29-28, 27-30, 28-29. 

Si Paalam ang pangatlong Pinoy boxing athlete na natalo sa laban bukod kina Eumir Marcial sa men's 80 kg at Hergie Bacyadan sa women's 75 kgs sa kanilang mga opening bouts.

Una na ring sinabi ni Carlo na gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya para makasungkit ng medalya sa Paris Olympics. 

Matatandaang isa din si Carlo Paalam sa mga nakakuha ng silver medal sa nakaraang Tokyo Olympics.