Boxing: Unified super middleweight title napanatili ni Saul 'Canelo ' Alvarez vs. Berlanga
Matagumpay na nadepensahan at napanatili ni Saul Alvarez ang kaniyang WBC at WBO super middleweight title nito laban kay Puerto Rican boxer na si Edgar Berlanga matapos na makuha nito ang unanimous decision sa kanilang pagtutos sa Las Vegas Nevada nitong Linggo.
Pinabagsak ni Alvarez ni Berlanga sa pamamagitan ng pagpapaulan ng suntok lalo na sa ikatlong round ng kanilang sagupaan.
Sa ika-siyam na round ay muling nagpakawala ng suntok sa ulo at katawan si Alvarez dahilan at hindi na nakaganti ng suntok si Berlanga dahil muli na itong napatumba ni Alvarez.
Sa ngayon, hawak na ni Alvarez ang 62-2-2 win-loss-draw record kung saan 39 sa mga panalo nito ay mga knock out, habang si Berlanga naman ay mayroong 22 panalo at isang talo.
Nitong Hulyo ay tinanggalan si Alvarez ng belt ng International Boxing Federation matapos tanggihan nito ang laban kay Berlanga at sa halip ay mas ninais nitong makalaban ang ang IBF mandatory challenger na si William Scull ng Cuba.
Matatandaang nanalo si Alvarez ng mga titulo sa apat na magkakaibang dibisyon, kabilang ang super middleweight, junior middleweight, middleweight at light heavyweight. Sa kasalukuyan, hawak ni Canelo ang WBC, WBA at WBO super middleweight titles. Si Canelo ay tagumpay ding lumaban kina Gennadiy Golovkin (na may 2-0-1 record sa kanilang trilogy), Miguel Cotto, Amir Khan, Sergey Kovalev at Billy Joe Saunders.