Boxing: Super bantamweight title nasungkit ni ‘Quadro Alas’ vs. Saul Sanchez

Rico Lucero
Photo courtesy: Getty Images

Nagpakita ng impresibong panalo si three-division world titlist John Riel “Quadro Alas” Casimero kay dating world challenger Saul “The Beast” Sanchez sa kanilang super-bantamweight bout nitong Linggo  sa Yokohama, Japan. 

Nakatikim agad ng solidong suntok si Sanchez sa unang round pa lamang ng kanilang laban na naging dahilan ng pagbagsak nito. Naramdaman ni Sanchez ang bilis at lakas ng kamao ni Casimero hanggang nabuntal nito si Sanchez sa mukha at tuluyan nang napahiga ang Amerikanong boksingero. 

Itinigil na ng referere ang laban sa nalalabing 20 segundo sa first round. Nakuha ni Casimero ang 34-4-1 na win/loss/draw record, kung saan 23 sa mga panalo nito ay knockouts, habang si Sanchez naman ay mayroong 21-4 win/loss record kung saan 12 sa mga panalo nito ay knockouts. 

Bagaman nagpakita ng magandang laban, tuluyan nang sinuspinde ng Japan Boxing Commission si Casimero na makalaban sa Japan. Ito ay matapos na ihayag ng World Boxing Organization na posibleng patawan ng anim na buwang suspensyon si Casimero. 

Ayon naman sa social media post ni World Boxing Organization (WBO) International boxing judge Edward Ligas, na maaaring harapin ni Casimero ang anim na buwang suspension kasunod ng problema sa kanyang timbang matapos muling sumampa sa mas mabigat na timbang sa weigh-in nitong nagdaang Sabado para sa laban kay Sanchez para sa super bantamweight limit na 122-pounds. 

“Despite his impressive win, Johnriel ‘Quadro Alas’ Casimero will be suspended for six (6) months” according to Tsuyoshi Yasukochi, CEO of Japan Boxing Commission (JBC) just a few minutes after the interview. “Is that okay six months. Yes, six months. JBC will punish boxers who are overweight in Japan even if it’s not a title fight,” saad ni Ligas sa kanyang Facebook post.