Boxing: Suarez tiwalang masusungkit ang WBO International super featherweight title vs. Castaneda

Rico Lucero
photo courtesy: VSP Promotions

TIWALA si 2016 Rio Olympian Charly “The King’s Warrior” Suarez na masusungkit niya ang bakanteng World Boxing Organization (WBO) International super featherweight title laban sa bagong katapat nito na si American boxer Jorge Castaneda para sa 10-round battle sa darating na Sabado ng umaga (oras sa Pilipinas) sa Desert Diamond Arena sa Glendale, Arizona.

Bagaman dismayado pa rtin sinabi ng trainer ni Suarez na si Delfin Boholst, na  100 porsiyento na itong handa sa laban kahit biglaan ang nangyaring pagpapalit ng kalaban. Hindi naman inurungan ni Suarez ang nakaambang katunggali at ipinagkibit-balikat na lamang ang nangyaring pagbabago at agad na lamang tumutok at inaral ang stance at diskarte sa laban ni Jorge Castaneda.  

“One hundred (100) percent ready na si Charly kahit na two weeks nagpalit ng kalaban dahil lagi naman ready si Charly. Inaral namin, ginawa namin kapag sa training kami. Meron naman kasi two weeks na notice pero kaya agad mag-adjust,” ani Boholst. 

Si Charly ay  mahigit dalawang linggo nang nagsasanay sa pamosong Wild Card Gym sa Los Angeles sa California at Fabelle Boxing Gym at Top Rank Boxing Gym sa Las Vegas, Nevada.

Magugunitang biglaan ang kanilang ginawang adjustments para pag-aralan ang estilo at laro ng mas matangkad at batang American boxer na kagagaling lang sa sariwang second-round technical knockout win nitong Agosto 31 laban kay Angel Hernandez Pillado sa Fight Fest 15th Anniversary sa Sames Auto Arena, sa Laredo, Texas.

Si Suarez ay may boxing record na 17-0 marka kasama ang siyam na knockouts na galing rin sa eight-round unanimous decision na panalo laban kay Luis Coria nitong Abril 13 sa American Bank Center sa Corpus Cristi sa Amerika.

“Iyung talino sa taas ng ring at speed ang nakikita naming magagamit nang husto ni Charly against Castaneda, tapos isama mo pa iyung power at experience ni Charly bilang amateur ang mas maganda dito,” dagdag ni Boholst 

Sinusubaybayan nang husto ni Suarez ang kanyang mga pinupuntiryang makakalaban, kung saan habol nito ang mas mataas na rankings para  makuha ang mandatory challenger lalo na  kina WBO titlist Mexican Emmanuel Navarrete at interim champ Oscar Valdez, habang nakalinya ito bilang No. 3 rank sa likod nina No.1 ranked Albert Bell at Cortes.

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
7
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
6
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
7
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHolliesJeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
10
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
7
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
7
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
8
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
8
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
10
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
25
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
32
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
26
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
26
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
22
Read more