Boxing: Pag-eensayo ni Melvin Jerusalem, puspusan.
Ilang araw bago ang pakikipagbuno ni Melvin sa kalaban nitong Mexican boxer sa Linggo, hindi matatawaran ang ginawang pag-eensayo nito matiyak lamang ang tagumpay sa kaniyang laban.
Pukpukan din ang ginawa nitong sparring session dahil ito ang unang beses na dedepensahan niya ang hawak niyang titulo laban kay Luis Castillo. Ayon sa head trainer ni Jerusalem na si Michael Domingo, hindi aniya nito pinabayaan ang pag-eensayo at tinitiyak nila na mayroon ding sapat na pahinga si Jerusalem para mai-kondisyon ito sa laban.
“Hindi tayo nagpabaya sa ensayo kahit pa noong bago pa i-announce ang laban, talagang nag-prepare si Melvin. Nagbakasyon lang ng kaunti doon sa Japan kasi masakit pa ang kamay, kaya nga minamadali nila ang laban kasi mandatory sila,” ani Domingo.
Sa Press Conference naman na isinagawa ng Philippine Sports Writers Assosciation, sinabi ni Melvin na dahil sa mahusay at magaling si Castillo sa boxing. Nagpasalamat siya dahil nakarating sa bansa si Castillo at tingnan na lang umano nila ang magiging result ng laban sa Linggo.
“Mag-enjoy din siya dito sa Pilipinas at salamat nakarating siya dito. Tingnan na lang natin sa laban,” ani Jerusalem.
Ayon naman kay Domingo, tatlong round ang pinaghanadaan nila para sa laban nito kay Castillo, at dahil aniya sa hindi pa nakaranas ng talo ang kalaban at sa tantiya nila ay hindi ito agad basta basta mapapatumba ni Melvin kay, ang payo niya dito ay dahan-dahanin ang laban.
“Pinaghandaan talaga namin ang long round. Dahil alam naman natin na hindi siya (Castillo) basta-basta lalabanan lang lalo na’t wala pang talo, hindi pa nakaranas ng talo so, mag-expect tayo na hindi siya madaling patumbahin kaya dahan-dahanin lang natin. Pagka-champion pa lang ni Melvin alam na namin na siya (Castillo) yung mandatory. Kaya nag-ready na kami. Kaunting bakasyon muna, tapos nag-start na kami ng training, Nagawa naman namin ng maayos lahat sa training, kaya ngayon ready na kami sa laban,” ani Domingo.
Sakaling palarin na makakuha ng panalo kontra kay Castillo ay malaki na ang tsansa ni Jerusalem na makalaban uli para sa isang unified title bout sa mga susunod na pagkakataon.
Ang Jerusalem-Castilo fight ay nakatakdang isagawa sa Mandaluyong City College gym sa Linggo, September 22, 7:00 ng gabi.