Boxing: Marlon Tapales, matagumpay na nadepensahan ang kanyang WBC Asia super-bantam title
Matagumpay na nadepensahan ni dating unified super-bantamweight king Marlon Tapales sa unang pagkakataon ang hawak nitong titulo laban kay Saurabh Kumar ng India sa kanilang paghaharap sa sa Olympic Stadium sa Phnom Penh, Cambodia nitong Linggo.
Nakuha ni Tapales ang panalo sa pamamagitan ng lopsided unanimous decision, nakuha nito ang mga score na 100-90 mula sa mga hurado. Ito ang kaniyang pangalawang laban matapos na matalo at makaranas ng knockout sa 10th round ng naging laban nito kontra kay Inoue noong nakaraang taon.
Si ngayon, si Tapales ang nasa rank no. 2 ng WBC, No. 4 sa WBA at no. 3 sa International Boxing Federation at mayroon nang boxing record na 39-4 win-loss kung saan 20 sa mga naipanlao nito ay mga knockouts.
Ayon kay Sanman CEO JC Manangquil, ang handler ni Tapales, ang katatapos na laban ni Tapales kay Kumar ay isang magandang tune-up para maihanda ang kaniyang sarili para sa mga susunod pang laban sa susunod na taon.
“Ito ay isang magandang tune-up bout para kay Marlon. Kailangan ni Marlon ang aktibidad para sa mas malalaking laban sa susunod na taon,” ani Manangquil