Boxing: Jerusalem, balak bawian ng titulo ni Castillo

Rico Lucero
photo courtesy: PSA/fb page/dugout

Naniniwala ang Mexican boxer at No. 1 undefeated na si Luis “Fiechita” Castillo na kayang-kaya nitong tanggalan ng titulo si WBC minimumweight champion, Melvin “Gringo” Jerusalem sa kanilang paghaharap sa darating na Linggo, September 22 sa Mandaluyong City. 

Sinabi ni Castillo na lubos din aniya niyang pinaghandaan ang laban na ito kay Jerusalem at itinuturing niyang isang magandang oportunidad ang makaharap ang isa sa ipinagmamalaki ng Pilipinas sa larangan ng boxing. 

Nangako din si Castillo na dadalhin niya ang korona ni Jerusalem pauwi ng Mexico City.

“I know this is going to be a tough fight, but I know we will emerge victorious. And I want to tell the champion here that he should enjoy his days as a world champion. It’s going to be tough, but we’re coming 100 percent prepared for the fight,” ani Castillo.

Tiniyak din ni Eduardo Montiel trainer ni Castillo na lubos nilang pinaghandaan ang laban na ito kay Jerusalem at masaya sila na makaharap ang isa sa mga pride ng bansa sa larong boxing. 

“We’re coming ready. We’re very proud to fight him and be here in the Philippines,” ani Montiel.

Si Castillo ay mayroong record na 21 panalo at 13 sa mga panalo nito ay knockouts at wala pang naitalang talo, habang si Jerusalem, naman ay may boxing record na 23 panalo tatlong talo at 12 sa mga panlo nito ay knockouts at  ito ang unang pagkakataon na dedepensahan niya  ang kanyang korona sa sarili niyang bansa.