‘Boxing event’ sana kasama pa rin sa 2028 Olympics - Villegas

Jet Hilario
Photo Courtesy: Olympics

Umaasa si Pinay Olympic bronze medalist at boxer Aira Villegas na kabilang pa rin ang larong boxing sa 2028 L.A Olympics. 

Kasunod ito ng mga lumalabas na balitang i-ba-ban na ang larong boxing sa 2028 LA Olympics matapos ang sunod-sunod na kontrobersyal na kinaharap ng Algerian boxer na si Imane Khelif at Taiwanese boxer Lin Yu Ting sa kasagsagan ng Paris Olympics. 

Nag-ugat ito sa gender eligibility issue ng mga naturang mga babaeng boksingero kung saan idinis-qualify ang mga ito ng International Boxing Association matapos na lumabas ang resulta ng test ng dalawa na ang mga ito ay mga lalake. 

Ayon kay Villegas, nais niyang mapabilang muli sa susunod na Olympics, bagaman marami na rin aniya siyang nasagupang ‘ups and downs’ ay mas ginusto pa niya na magpatuloy dahil dugo at pawis ang naging puhunan niya para ma-qualify at makasali sa Olympic Games. 

“Gusto ko po talagang mag-Olympics ulit. Hindi siya biro kasi po yung dugo't pawis tapos malayo ka sa pamilya mo. I was 16 years old na nalayo ako sa family ko. At sobrang thankful ako sa brother ko kasi siya yung nakakita ng potential ko. I was 9 years old noong tinuruan niya ako ng boxing,” ani Villegas.