Boxing: Charly Suarez, pinatumba si Castañeda sa ikatlong round

Rico Lucero
photo courtesy: ringtv.com

Katulad ng inaasahan, hindi nabigo si 2016 Rio Olympian Charly “The King’s Warrior” Suarez na makamit ang panalo kontra American boxer na si Jorge Castañeda para maangkin din ang (WBO) international junior lightweight title sa Glendale, Arizona, noong Sabado. 

Pinatumba ni Suarez si Castañeda sa ikatlong round ng kanilang laban matapos makatikim ng solidong left hook mula sa Pinoy boxing icon. Subalit nang makabangon muli si Castañeda ay muling sinundan ng kombinasyon ng suntok ni Suarez ang kalabang Amerikano at muli itong natumba at dito na ipinatigil ng referee ang laban. 

Matatandaang orihinal sanang makakasagupa ni Suarez ang kapwa walang talo na si An­dres Cortes sa isang WBO eliminator fight, subalit nagpasya ang kampo ni Cortes na umatras sa laban matapos mag­tamo ng injury ilang linggo bago ang kanilang bakbakan.

Si Suarez ay naging pamabato rin ng bansa noong 2016 Rio Olympics. Nanalo rin siya ng silver medal sa Asian Games noong 2014 at nakakuha ng gintong medalya sa Southeast Asian Games noong 2009, 2011 at 2019.

Sa ngayon, mayroon nang boxing record si Suarez na 18-0 kung saan 10 sa mga naging laban nito ay knockouts, habang si Castañeda naman ay bumagsak sa 17-4 win-loss record na may 13 knockouts.

Sunod na tatargetin ni Suarez si WBO junior fea­therweight champion Em­manuel Navarrete.

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
8
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
7
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
7
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHolliesJeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
10
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
7
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
7
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
8
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
8
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
10
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
25
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
32
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
26
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
26
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
22
Read more