Boxing: Charly Suarez, babalik sa lona vs. Andres “Savage” Cortes

Jet Hilario
Photo Courtesy: Melvin Jerusalem (philboxing.com)

Muling babalik sa ibabaw ng ring si Charly Suarez para makipaglaban kay undefeated at No. 2 & No. 9 WBO WBC rank na si Andres “Savage” Cortes. 

Naniniwala si Suarez na hindi pa huli ang lahat sa kanya para habulin ang kanyang pangarap na maging isa ding world champion sa larangan ng boxing. 

Susubukan ni Suarez na makuha ang panalo laban kay Cortes para magkaroon ng tsansa na maging challenger sa  WBO super featherweight title. 

Si Suarez ay kabilang noon sa PH national boxing team at nanalo ng tatlong gintong medalya sa Southeast Asian Games at walang talo sa kanyang 17 boxing fights mula nang maging professional boxer ito noong 2019. 

Magugunitang huling lumaban si Suarez kay Luis Coria at nanalo siya via unanimous decision noong Abril. 

Si Suarez ay nasa Las Vegas na ngayon para ipagpatuloy ang pag-eensayo at paghahanda sa magiging laban nito sa Setyembre 20.