Boxing: Angas ni Jerwin Ancajas ipapakita sa kalabang Thai boxer
Sa darating na Linggo, September 22, makikita na ng sambayanang Pilipino ang pagbabalik sa lona ni Jerwin “The Pretty Boy” Ancajas. Magiging make-or-break fight ito para sa dating world champion sa undercard ng Blow-By-Blow card sa Mandaluyong City.
Si Ancajas ay muling lalaban sa panibagong dibisyon kung saan makakatunggali ni Pretty
Boy si International Boxing Federation super-fly crown laban kay Sukpraserd Ponpitak ng Thailand.
Ipapakita din ni Ancajas ang angas nito sa boxing ring sa kalabang Thai boxer kung saan una nang inihayag ni Jimenez na sa mas mabigat na weight division na siya lalaban dahil mas nabibigyang-pansin ni Ancajas ang kanyang lakas at tibay sa mas mabigat na dibisyon.
“Magbalik tune up fight na siya, pero sa mas mabigat na weight division na siya lalaban kasi hirap na siyang kunin kahit iyung 118 pounds. Nakikita namin sa sparring kapag malaki siya ay nailalabas niya iyung lakas at matibay siya. Kaya niyang tapatan at pabagsakin iyung mga nasa mabigat na weight divisions,” ani Jimenez
Si Ponpitak, ay may hawak na boxing record na 30-19, kung saan 20 sa mga panalo nito ay knockout.
Matatandaang ilang buwan ding nanahimik si Ancajas pagkatapos makatikim ng masaklap na pagkatalo laban kay World Boxing Association (WBA) bantamweight champion Takuma Inoue na nagtapos sa 44 segundo ng ika-siyam na round kasunod ng kanang uppercut sa sikmura noong Pebrero 24 sa Kokugikan National Sumo Arena sa Sumida City sa Tokyo.
Si Ancajas ay may boxing record 34 wins 4 loss 3 draws kung saan 22 sa mga panalo nito ay knockouts.