Bossing Import, George King gustong maging bahagi ng Gilas Pilipinas Team

Rico Lucero
Photo courtesy: Rappler

Ipinahayag ng import ng Blackwater na si George King ang kanyang pagnanais na maging naturalized player ng Pilipinas at magsuot ng pambansang kulay na uniporme ng Gilas matapos ang kanyang unang PBA stint sa Season 49 ng PBA Governors’ Cup.

“I would love to play for the national team. If they want to have me, I would love to do it,” saad ni King.

Si King ay nag-iwan ng legacy sa Bossing sa pagbuslo ng franchise record na 64 puntos laban sa Rain or Shine Elasto Painters, at gumawa ng perpektong 20-of-20 mula sa free throw line (isa muling franchise record), at naipasok ang 18 sa kanyang 35 field goal attempts. 

Ito ngayon ang itinuturing na pinakamataas na scoring performance ng sinumang manlalaro ngayong conference. Ang huling nakapuntos ng mahigit 60 points sa liga ay Al Thornton ng NLEX noong nag-ambag siya ng 69 markers sa 131-127 triple overtime loss laban sa San Miguel noong 2016.

Pinangunahan ni King ang koponan sa limang panalo sa pitong laro na pag-reinforce niya sa Blackwater, matapos pumasok bilang kapalit na import. Tinulungan din niyang makabawi ang Bossing mula sa mahinang 0-3 na simula.

Gayunpaman, hindi sapat ang 5-5 record ng Blackwater para makakuha ng playoff berth dahil sa inferior quotient, bagamat tabla lamang sila ng win-loss slate ng NLEX.

Umaasa naman si King na hindi ito ang kanyang huling tour of duty sa Pilipinas habang hinahangad niyang makasali sa lumalaking listahan ng mga naturalized na manlalaro ng Gilas Pilipinas, na kinabibilangan nina Justin Brownlee, NBA player Jordan Clarkson, at Ange Kouame.

“It would be an opportunity of a lifetime for me to do it for a place that I enjoy being in,” dagdag pa ni King. 

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
7
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
6
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
7
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHolliesJeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
10
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
7
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
7
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
8
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
8
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
10
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
25
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
32
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
26
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
26
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
22
Read more