Bolts kinuryente ang Dyip; 107-91

Jet Hilario
Photo Courtesy: PBA

Pinatikim ng Meralco Bolts ng isang high-voltage performance ang Terrafirma Dyip sa ikatlong sunod na pagkatalo matapos makuha ng Bolts winning score na 107 laban sa Dyip na may score na 91  sa PBA Season 49 Governors’ Cup. 

Humataw si Allen Durham na mayroong  23 points at 15 rebounds, habang may 22 points naman si Bong Quinto para sa 2-1 record ng Bolts, habang ang Dyip naman ay mayroong  0-3 standing sa Group A.

Nag-ambag din si Chris Banchero ng 17 points at may 16 at 12 markers sina rookie CJ Cansino at Allein Maliksi. 

Piangtibay ni Cansino ang kanyang breakout performance sa  pagtatala ng kanyang ikaapat na triple ng laro mula sa kaliwang sulok kung kaya nakahabol ang Terrafirma sa score na  59-77 sa ikatlong yugto, at nagsara ang score sa  73-83.

Nakalapit ang Dyip sa score na 84-90 matapos ang ikaapat na three-point shot ni rookie Paolo Hernandez sa 6:40 minuto ng fourth quarter.

Hindi naman nakapaglaro sina Chris Newsome, Aaron Black at Raymond Almazan, dahil sa mga tinamo nitong mga injury. 

Si Newsome ay hindi muna pinapaglaro ng Meralco Bolts nitong Miyerkules dahil sa  tinamo nitong injury noong nakaraan nilang laban kontra TNT noong Linggo.

Matatandaang sumakit ang kaliwang paa ni Newsome nang mapunta sa kanya si Poy Erram  para makuha ang bola, nagawa pa niyang bumalik sa laro, ngunit pagkatapos ay na-sprain naman ang bukong-bukong nito matapos matapakan ni Erram.

Samantala, haharapin ng Bolts ang Northport Batang Pier ngayong Linggo sa Ninoy Aquino Stadium, sasabak sa Converge FiberXers sa Smart Araneta Coliseum sa Miyerkules, at pagkatapos ay bibiyahe sila sa Panabo City, Davao para sa kanilang laban sa Magnolia Hotshots sa Sabado.

The Scores:

MERALCO 107 - Durham 23, Quinto 22, Bancgero 17, Cansino 16, Maliksi 12, Mendoza 5, Hodge 4, Caram 4, Torres 2, Pascual 2, Bates 0, Pasaol 0, Rios 0.

TERRAFIRMA 91 - Pringle 19, Hester 18, Hernandez 15, Tiongson 9, Standhardinger 9, Sangalang 7, Carino 7, Carino 4, Ferrer 4, Cahilig 3, Hanapi 3, Olivario 0.

QUARTERS: 31-19, 56-43, 79-67, 107-91