Blackwater coach Jeff Cariaso, dismayado sa huling laro vs. RoS.

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Dismayado si Blackwater Bossing coach Jeff Cariaso matapos ang kanilang huling laro at panalo kontra Rain or Shine, 139-118, sa Season 49 ng PBA Governors’ Cup. Malungkot si Cariaso dahil hindi aniya sila nabigyan ng pagkakataon na makapasok sa playoffs. 

Sinabi pa ni Cariaso na kahit panalo sila at hindi na nakapasok sa quarterfinals ay naipakita ng kanilang koponan ang karakter na mayroon sila sa laro. Natutuhan din aniya ng kanilang koponan na huwag umasa sa tulong ng iba para maisulong ang panalo at tagumpay. 

"Isa sa mga laro kung saan hinamon ko ang koponan na ipakita kung anong uri ng karakter ang mayroon kami," ani Cariaso. 

“Obviously, yung game kagabi, bago matulog, medyo na-disappoint kami na hindi kami nabigyan ng chance man lang makapasok sa playoffs. Ngunit sa pagtatapos ng araw, kung paano namin tiningnan ito at ang aral na natutunan namin doon ay hindi ka maaaring umasa sa iba upang sumulong," dagdag pa niya.

Magugunitang naging mahirap para sa Blackwater ang makakuha ng panalo dahil umabot sila sa 5-5 win-loss standing kung saan kabilang dito ang magkasunod na panalo laban sa San Miguel at Rain or Shine na naging dahilan upang matapos kaagad ang kanilang kampanya.