Batang Pinoy aarangkada na sa Nobyembre
Isasagawa sa Puerto Princesa City sa Palawan sa Nobyembre ang Philippine National Youth Games o mas kilala sa tawag na Batang Pinoy.
Ang naturang torneo ay lalahukan ng mga Lokal na Pamahalaan sa bansa at nakatuon ito sa mga estudyanteng may edad na 15 taon pababa. Inaasahang aabot sa mahigit 12,500 na mga kabataang atleta ang magtitipon at paglalabanan ang nasa 30 mga sports sa lalawigan ng Palawan.
Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard ‘Dickie’ Bachmann, wala pang eksaktong petsa ang Batang Pinoy subalit isinasaaayos na nila ito at posibleng bago matapos ang Nobyermbre ito isagawa.
“We’re finalizing the date, but definitely it will be held late November,” ani Bachmann.
Positibo din si Bachmann na sa pamamagitan ng torneong ito ay mas maraming kabataang atleta ang madidiskubre ng mga National Sports Association (NSA).