‘Bata’, Boyes pinangalanang captains ng Reyes Cup

Keanna Wren
PHOTO COURTESY: RADYO PILIPINAS SPORTS

Itinakdang maging kapitan si Efren ‘Bata’ Reyes ng Team Asia habang si Karl Boyes naman sa Team Europe para sa pinakahihintay na Reyes Cup na gaganapin mula Oktubre 15 hanggang 18 sa Ninoy Aquino Stadium.

Ang Reyes Cup ay nakatakdang gayahin ang format ng prestihiyosong Mosconi Cup kung saan dalawang elite teams ang maglalaban-laban sa loob ng apat na araw ng kompetisyon. May kabuuang 21 na laban, kabilang ang mga single at doubles. Ang unang team na makakapuntos ng 11 ang makakapagkamit ng pagkapanalo. 

Ang Team Asia ay pangungunahan ni Efren Reyes na tinaguriang “greatest player in the history of the sport”. 

“Ang tagal kong hinintay ito. Mula nang itatag ang Mosconi Cup, gusto ko ng isang bagay para sa Asya," saad ni Reyes. “Lamang ang Europe dahil sa kanilang karanasan sa arena na iyon, ngunit ang Asya ay may marami ring kasanayan at talento upang makapagkamit ng panalo. Inaasahan ko rin ang isang potensyal na eksibisyon laban sa kapwa kapitan kong si Karl Boyes."

Ang magle-lead naman sa Team Europe ang ang six-time Mosconi Cup champion na si Karl Boyes.

“Ang Nineball career ko ay nagsimula noong 2007 sa Matchroom dito sa Pilipinas, kaya alam ko kung gaano kalaki ang isport at ang event na ito para sa bansa. Hindi ako makapaghintay na pamunuan ang Team Europe bilang kapitan sa susunod na buwan,” sabi ni Boyes.

Sina Aloysius Yapp, Johann Chua, at Ko Pin Yi ang unang naging kwalipikado at mangunguna sa Team Asia, habang sina Eklent Kaçi, Mickey Krause, at Joshua Filler naman ang sa Team Europe.

Nakatakdang pumili sina Reyes at Boyes ng dalawang wild card para kumpletuhin ang kanilang team sa darating na Oktubre. Inaasahang ang Reyes Cup ay magiging flagship event sa pandaigdigang pool calendar. 

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
13
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
3
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentinoDonCaringalRichardBachmanCarlosYuloPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteePhilippineCyclistCycling
4
Read more

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEalaJelenaOstapenkoPhilippinesTennisLatvianTennisLawn Tennis
6
Read more

Canelo Alvarez kayang dominahin sa laban si Crawford - Mosley

CaneloAlvarezTerrenceCrawfordSugarShaneMosleyWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

MarioBarriosMannyPacquiaoMarkMagsayoEumirMarcialJerwinAncajasMPPromotionPhilippineBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
3
Read more

Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

MannyPacquiaoMarioBarriosBrianNormanJr.PhilipineBoxingMexicanBoxingWorldBoxingOrganizationWorldBoxingCouncilBoxing
4
Read more

Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosJimuelPacquiaoEumirMarcialMarkMagsayoPhilippineBoxingBoxing
3
Read more

Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

MannyPacquiaoSugarShaneMosleyPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationWorldBoxingOrganizationBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, negatibo sa drug test bago ang laban kay Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosMauricioSulaimanPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationVoluntaryAnti-DopingAssociationBoxing
8
Read more

Tropang Giga, target ang PBA Grand Slam ngayong Philippine Cup

CalvinOftanaRRPogoyKellyWilliamsPaulLeeMarkBarrocaTNTTropangGigaMagnoliaChickenTimpladosHotshotsBaskeball
4
Read more

Donaire, panalo sa kanyang comeback fight kontra Campos ng Chile

NonitoDonaireAndresCamposPhilippineBoxingChileanBoxingBoxing
6
Read more

Ikatlong panalo, nasungkit ni Bomogao vs. Nerea Rubio ng Spain

IslayErikaBomogaoTeamLakayMuayThaiPhilikppinesMixedMartialArts
10
Read more