Basketball: Gilas Pilipinas Youth natalo ng New Zealand

Jet Hilario
Photo Courtesy: FIBA

Natalo pa rin ang pambato ng Pilipinas sa FIBA U18 kontra sa New Zealand sa score na 75-58 sa pagpapatuloy ng FIBA U18 Asia Cup 2024 sa Amman, Jordan. 

Hindi umubra ang nagawang 30 points na ambag ni John Earl Medina sa higpit ng depensa at lakas ng kanilang kalaban maging ang 14 na puntos na naibuslo ni Mark Esperanza ay gindi na rin nakatulong para maipanalo ang koponan na naging dahilan, kung kaya bumagsak ang Gilas Pilipinas sa 1-2 standing sa Group D. 

Sa laban na ito ng Gilas Pilipinas Youth, isa pa lamang ang kanilang nakuhang panalo nang makalaban nila Indonesia kung saan nanalo ang bansa sa score na 75-48. 

Samantala, aabangan naman ng Gilas Pilipinas Youth ang mananalo sa pagitan ng Japan at Qatar at kung alinman sa dalawang koponan ang manalo ang siyang makakaharap ng bansa para sa quarterfinals sa Biyernes, Setyembre 6, 2024. 

 

Ang mga Scores: 

New Zealand 75 – Hopoi 23, Isaac 16, Treacher 11, Eagle 9, Hunt 7, Bond 5, Silberstein 2, Christof 2, Heke 0, Blight 0, Blight 0, Barton 0.

Philippines 58 – Medina 30, Esperanza 14, Burgos 4, Cabonilas 3, Ludovice 2, Figueroa 2, Manding 2, Esteban 1, Velasquez 0, Santos 0, Perez 0, Lorenzo 0.

Quarters: 24-16; 43-26; 58-43; 75-58.