Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentino DonCaringal RichardBachman CarlosYulo PhilippineSportsCommission PhilippineOlympicCommittee PhilippineCyclist Cycling
Jet Hilario
EDITORIAL TEAM/JET HILARIO

Pormal nang binuksan sa Tagaytay City, Cavite ang pinakabagong indoor velodrome sa bansa kung saan ini-akma ito sa International Cycling Union (UCI)-grade BMX track standards, at inaasahang magiging panibagong sentro ng pambansang sports development sa bansa.

Pinangunahan ni ni Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino ang ribbon-cutting ceremony kasama sina Cavite Governor Athena Tolentino, Asian Cycling Confederation president Dato’ Amarjit Singh Gill, Philippine Paralympic Committee president Mike Barredo, kasama ang ilan pang mga opisyal ng Tagaytay City Local Government Unit. 

Dumalo rin sa makasaysayang okasyon sina double Paris Olympic gold medalist Carlos Yulo at Olympic boxing medalist Nesthy Petecio, kasama ang ilang opisyal ng POC at mga pinuno ng iba’t ibang national sports associations.

Ang pagbubukas ng Velodrome ay inaasahang magbibigay-daan sa mas mataas na antas ng kompetisyon at pagsasanay ng mga Pilipinong siklista, habang pinapanday din ang mas malalim na pagkilala sa mga bayani ng bansa sa pamamagitan ng sports.

Samantala, bilang pagpupugay naman sa ating pambansang bayani, itinayo sa harap ng pasilidad ng Velodome ang isang 12-foot stainless steel na estatwa ni Dr. Jose P. Rizal. 

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino, layunin ng monumento na ito na  kilalanin si Dr. Jose Rizal hindi lamang bilang bayani, kundi bilang isang tunay na atleta.

“It’s a tribute to our National Hero, the sportsman, the athlete. We Filipinos know very well that Dr. Jose Rizal excelled in everything he engaged in and in sports, he was a fencer par excellence, a sharp shooter and if there were titles during his time, a grandmaster of ahedres—chess,” ani Tolentino.

Bukod sa pagpapasinaya ng modernong Velodrome, isinabay na rin sa inagurasyon ang bago at modernong City Hall ng Tagaytay na matatagpuan din sa kanilang lungsod.

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
1
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
1
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
3
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollies-JeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
4
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
4
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
4
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
4
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
4
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
9
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
24
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
31
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
25
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
25
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
21
Read more