The Azkals muling sasabak sa Asia 7s sa Oktubre
Muling bubuhayin sa bansa ang Philippine men's national football team na The Azkals..
Ang Philippine Azkals ay muling lalahok sa Asia 7s Championship na isasasgawa sa Oktubre 9 hanggang 12 sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Sasabak ang Pilipinas laban sa Brunei, Japan, Malaysia, India, China, Singapore at Indonesia sa kompetisyong ito.
Ang Asia 7's, na itinatag noong 2022, ay mabilis na naging nangungunang 7-a-side na football tournament sa Asia.
Sa isang press conference, nais nitong panatilihing buhay ang koponan at makahikayat pa ng maraming Pilipino na subukan ang football.
"This is the next step in keeping alive the Azkals name which has become synonymous with Philippine football. It is very important to continue the Azkals legacy on how as the former minnows of Asian football, we were able to rise and overcome the challenges before. Hopefully by using the moniker again, we can once more inspire all aspiring football players in the country," ani Schrock
Ang mga dating miyembro ng national team na sina Stephan Schrock at Misagh Bahadoran ang mangunguna sa nasabing grupo.
Samantala, ini-anunsyo naman ni Coach Hamed Hajimedhedi na ang mga tryout ay gaganapin sa Setyembre 7 at 8, 2024. Ang isang tune-up match laban sa mga celebrity football player ay naka-iskedyul sa Oktubre 6, kung saan ang final roster ng koponan ay inaasahang iaanunsyo bago ang exhibition game.
Bilang bahagi naman ng kanilang paghahanda, ang Azkals ay patuloy na naghahanap ng karagdagang mga manlalaro.
Magugunitang nagpahinga muna ang Azkals noong Pebrero kasabay ng pagkakaroon ng bagong management at mga coaching nito kung saan si Freddy Gonzalez ang itinalaga bilang bagong tagapamahala ng Azkals noong Enero, na humalili kay Dan Palami, na nanungkulan dito 2009 hanggang 2024.