AVC Beach Tour 2nd Nuvali Open, opisyal nang umarangkada

RancelVarga JamesBuytrago KatEpa HoneyGraceCordero AlasPilipinas BeachVolleyball
Jet Hilario

Umarangkada na kahapon, April 2, 2025 ang 2nd Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour sa Nuvali Beach Sand, Sta. Rosa City, Laguna. 

Nilahukan ito ng nasa walong bansa sa Asya kabilang na ang Pilipinas. 

Sa unang araw ng laban, naitala agad ng Alas Pilipinas Team ang kanilang unang panalo under womens division sa pamamagitan nina Khylem Progella at Sofia Pagara laban kina Ee Ling Pua at Rachael Go ng Malaysia, 21-8, 21-18. 

Hindi rin nagpahuli sina Rancel Varga at James Buytrago na nanalo naman kina Uzbekistan players na sina Mustafoev Golibjon at Nodirjon Alekseev, 21-13, 21-6, sa men’s division.

Sa kabila ng mga buwena manong panalo ng Pilipinas sa AVC ay hindi naman pinalad ang iba pang mga Pinoy volleyball players ng bansa na manalo sa kani-kanilang laban. 

Gaya na lamang nina UAAP champion Kat Epa at Honey Grace Cordero na kinapos laban kina Olympians Saki Maruyama at Miki Ishii ng Japan, 12-21, 21-19, 9-15.

Gayundin sina Lerry John Francisco at Edwin Tolentino laban naman kina Asian Senior Beach Volleyball Champions D’Artagnan Potts at Jack Pearse ng Australia, 17-21, 18-21.

Maging sina Ronniel Rosales at Alexander Jhon Iraya ay bigo din na makuha ang panalo laban kina Paul Burnett at Luke Ryan ng Australia, 21-13, 21-18. 

Ang sikreto ng ibang foreign players 

Sa mga nakausap naming mga international coach at foreign players sa ganitong sports, isa sa mga factors na isinasaalang alang nila kaya matatag ang stamina at resistensya ng kanilang mga players ay ang wastong pag-eensayo at tamang nutrisyon na kailangan ng mga manlalaro. 

Isinasaalang-alang nila ito dahil sa uri at klase ng ganitong sports lalo na at isinasagawa ito sa gitna ng init ng araw. 

Iba kasi ang klima ng indoor sa outdoor games kung saan mas higit na kailangang naka-kondisyon ang katawan ng mga manlalaro na expose sa ilalim ng init at araw.

Kailangan ding fully hydrated ang mga manlalaro kung sila man ay maglalaro sa gitna ng araw at dapat na malakas ang resistensya ng mga ito para may kakayahan na maipanalo ang laban.

Mahalagang i-prayoridad ng coaching staff ang pagbibigay sa mga manlalaro ng tamang diet at nutrisyon sa kanila para makuha ang karapat dapat na kondisyon ng katawan na handa sa anumang laban sa pampalakasan. 

Kung ganito rin ang mindset na isaalang-alang ng mga nasa larangan ng sports para sa anumang laban ng bansang Pilipinas, ay tiyak na magkakaroon ito ng tsansa na makuha ang panalo at kampeonato.

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
2
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
4
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
3
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
4
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
7
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
24
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
31
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
24
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
25
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
21
Read more

Angeline Colonia wagi ng ginto sa Asian Junior Weightlifting

AngelineColoniaPhilippineWeightliftingWeightlifting
18
Read more

Alas Pilipinas, sasagupa sa Thailand bukas sa SEA V.League Leg 1

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanShainaNituraEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasPhilippineVolleyballPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
13
Read more

Cone, naniniwalang handa ang Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup

CoachTimConeCalvinOftanaJuneMarFajardoChrisNewsomeGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
14
Read more

PSC Chair Gregorio, dumayo sa China para sa Gilas Pilipinas Women

GilasPilipinasWomenJohnPatrickGregorioAlPanlilioGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
24
Read more