Aurora Gaming, inilabas ang kanilang pangmalakasang MPL-PH lineup
Pormal nang pinasok ng Serbian gaming organization na Aurora Gaming ang PH MLBB scene sa pamamagitan ng pagpapakilala sa kanilang MPL Philippines roster noong Sabado ng gabi sa Paranaque City.
Kabilang sa mga maglalaro para sa Northern Lights ay ilang mga beterano ng MPL Philippines.
Pangungunahan ng ex-Blacklist International stalwarts Edward Jay “Edward” Dapadap, Kenneth Carl “Yue” Tadeo, and Renejay “Renejay” Barcarse ang lineup ng Aurora Gaming.
Katuwang din nila sa Land of Dawn ang dating star jungler ng RSG Philippines na si Jonard “Demonkite” Caranto, ang longtime TNC Pro Team roamer na si Ben “Benthings” Maglaque, at ang dating player ng Minana EVOS na si Jan Dominic “Domeng” del Mundo.
Kaakibat naman ng Aurora sa kanilang coaching staff si head coach Aniel “Master The Basics” Jiandani, kasama si assistant coach Dexter Louise “Dex Star” Alaba. Sina Coach MTB at Coach Dex Star ay dati ring naging coach nina Edward, Yue, at Renejay sa Blacklist.
Magsisilbi naman bilang Esports and Gaming Content Directors ang VeeWise tandem, na syang binubuo ng MPL legends na sina Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna and Danerie James “Wise” del Rosario.
Sesentro daw sa pagiging ambassadors ang magiging papel ng VeeWise sa Aurora, na syang pumatay sa lahat ng espekulasyon na magbabalik-competitive MLBB ang Royal Duo.
"OhMyV33nus and Wise hold a pivotal position in Aurora's management team, where their responsibilities convey Aurora's of building an organization that is truly for the players and by the players," banggit ng Aurora sa isang statement sa media.
Pinalitan ng Aurora Gaming ang slot ng Minana EVOS sa MPL Philippines matapos umalis ng Hukbo sa competitive MLBB noong MPL Philippines Season 13.
"We believe in the immense potential of MLBB as an esports discipline and we eagerly look forward to our roster showcasing their talents as part of Aurora's hearth and home," dagdag ng Aurora sa kanilang kalatas sa media.
Unang sasabak ngayong Agosto ang Aurora Gaming MLBB team, kasunod ng MPL-PH Season 14.