Ateneo, tinalo ang La Salle para maging kauna-unahang UAAP NBA2K24 champions

Paolo Barcelon
Photo Courtesy: UAAP Season 87 Media Team

Gumawa ng kasaysayan si Paolo Medina ng Ateneo de Manila University nang siya ay manalo ng kauna-unahang UAAP NBA 2K24 title sa inaugural season ng UAAP Esports ngayong Season 87.

Nasungkit ni Medina ang kampeonato matapos manalo sa three-game series ng NBA 2K24 kontra kay Kegan Yap ng De La Salle University, 2-1, sa Doreen Fernandez Black Box, Areté Ateneo, sa Quezon City noong Huwebes ng gabi.

“To be the first champion, I am very blessed. I feel I made a mark that will forever be there. I am grateful for this opportunity,” ani Medina, isang 22-anyos na BS IT student.

Sinimulan ni Medina ang kampanya ng Blue Eagles sa pamamagitan ng pag-pick sa San Antonio Spurs upang talunin ang Chicago Bulls pick ni Yap, 77-75. Bumawi si Yap sa Game 2 gamit ang LA Clippers at nakuha ang tagumpay na 93-89 upang paabutin sa Game 3 ang Finals.

Sa Game 3, ginamit ni Medina ang Oklahoma City Thunder upang talunin ang LA Lakers pick ni Yap. Klaro ang mastery at dominance ng Atenista dahil unang quarter pa lang ng laro ay tila tinambakan na ng Thunder ang Lakers, 25-15.

Hindi na nakabawi pa ang La Salle sa nasabing laban, at umabot pa sa 20 puntos ang kalamangan ng Ateneo sa pagsisimula ng 4th Quarter ng finals game. 

Hindi naging madali ang pagdomina ng Ateneo sa UAAP NBA 2K24 category. Pumasok si Medina sa semis bilang second seed ng Pool A, kung saan tinalo niya si Daemiel Argame ng University of Santo Tomas sa semis, 96-92 at 119-81.

"Not gonna lie, coming into the tournament, I felt very confident. But then, on the first day of the group stage, I lost my game against UST, and then later that same day, I lost against UP. So, it wasn't a cakewalk. It wasn't an easy path to the finals," sabi ni Medina sa UAAP Esports media.

Proud na proud naman si Ateneo Blue Eagles NBA 2K24 head coach Nite Alparas sa naging performance ni Medina sa buong tournament.

“Honestly, sa six months na nag-training kami, parang two months ago sinabi ko sa kanya na, 'We are 100-percent ready to compete sa UAAP. Nangyari nga, nag-champion kami," ani Alparas.

Sa kabilang banda, mahirap din ang naging daan ni Kegan Yap patungo sa huling stage ng torneyo. Unang kinalaban ni Yap si Erix Delos Reyes ng UST Teletigers, kung saan siya nanalo ng 2-1 (65-53, 72-83, 88-67) para makalusot sa Finals.

Sa Game 1, ginamit ni Yap ang Boston Celtics upang talunin ang LA Lakers ni Delos Reyes, 65-53. Sa kabila ng matinding pagtugon ni Delos Reyes sa Game 2, na nagtabla sa serye sa 72-83, nagtagumpay namang muli si Yap sa Game 3 at sinigurado ang kanyang pwesto sa finals at ipinadala si Delos Reyes sa laban para sa bronze medal laban kay Argame.

Sa isang all-UST bronze medal match, tinalo ni Erix Delos Reyes si Daemiel Argame sa straight games, 2-0 (72-63, 71-57).

Ang UAAP NBA 2K24 games ay isa sa tatlong dibisyon sa UAAP esports, at siyang kumakatawan sa Console games na lalaruin sa tournament. Sa PC division, ang first-person shooter game na VALORANT ang nilalaro, habang Mobile Legends: Bang Bang naman ang nilalaro sa mobile game division.

Photo Courtesy: UAAP Season 87 Media Team

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
7
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
7
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
7
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHolliesJeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
10
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
7
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
7
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
8
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
8
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
10
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
25
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
32
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
26
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
26
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
22
Read more