Arvin Tolentino, humataw ng 51 points para sa panalo ng Northport
Tila humataw sa hard court si NorthPort Batang Pier guard/forward Arvin Tolentino matapos umiskor ng career-best na 51 points para pangunahan ang Northport Batang Pier kontra sa Converge sa nagpapatuloy na PBA Season 49 Governor’s Cup Huwebes ng hapon.
Sa pakiramdam ni Tolentino, sa umpisa pa lang ng kanilang laro ay magiging maganda na takbo at resulta ng laban lalo na ang ipinakita nilang depensa at teamwork kasama na ang team effort laban sa Converge.
"Pag-start pa lang ng game we led na and I felt na maganda itinatakbo ng team, especially in transition and on defense. Siguro na-swerte lang sa akin 'yung bola and nashu-shoot ko naman. This team is not a one-man team, like a lot of people are saying. We play as a team, we have fun, magkakakampi. I think that's one big factor kung bakit maganda inilaro namin," ani Tolentino
Tinambakan ng Northport ang Converge sa score na 135-109.
Bukod kay Tolentino, nag-ambag din si Joshua Munzon ng 19 puntos at limang steals, si Jio Jalalon ay nagtala ng 13 points at limang assist kasama ng dalawang steals, habang si Damien Cuntapay ay umiskor din ng kanyang career-high na 11 puntos.
Umiskor ang NorthPort ng hindi bababa sa 30 puntos sa unang tatlong quarters ng laro.
Nakatulong din sa panalo ng Northport ang balanseng pag-atake ng koponan kung saan nag-ambag ng tig-anim na puntos sina import na si Venky Jois, Fran Yu, at Allyn Bulanadi.
Ang pagsabog na ginawa ni Tolentino ang nakabasag din ng record ng prangkisa na pagmamay-ari ni Mikee Romero na hawak ni Stanley Pringle noong Hunyo ng 2018 kung saan nagtala ito ng 50 points.
Sa ngayon hawak ng Northport ang 2-1 standing sa Group A habang ang Converge naman ay 2-2 standing.
The Scores:
NORTHPORT 135 - Tolentino 51, Munzon 19, Jalalon 13, Cuntapay 11, Navarro 10, Yu 6, Jois 6, Bulanadi 6, Nelle 5, Amores 4, Onwubere 2, Taha 2, Flores 0, Tratter 0.
CONVERGE 109 - Hopson 24, Stockton 19, Arana 16, Winston 16, Santos 12, Racal 8, Delos Santos 6, Nieto 4, Maagdenberg 2, melecio 2, Cabagnot 0, Caralipio 0, Fleming 0, Ambohot 0, Andrade 0.
QUARTERS: 38-24, 68-49, 100-77, 135-109