Andy Murray handa nang magretiro sa competitive tennis

Jet Hilario
PHOTO COURTESY: SKY SPORTS

Makulay pa rin ang naging pagtatapos ng karera ni Andy Murray sa mundo ng tennis kahit pa bigo itong maipanalo ang men’s double sa Paris Olympics kasama si Dan Evans.

Tinalo sila ni Taylor Fritz at Tommy Paul ng US sa score na 6-2, 6-4 ng quarterfinals rounds.

Pagkatapos ng laban, binigyan si Murray ng standing ovation ng mga manonood at hindi nito naiwasang maging emosyonal habng papaalis na ng court.

Sinabi ni Murray na inasam niya na matapos na ang laban dahil hindi na rin aniya maganda ang sakit na kaniyang nararamdaman.  

Masaya din umano siyang natapos na ang kaniyang karera sa tennis.

"The pain and discomfort in my body is not good,"  "That's also why I'm happy to be finishing, because if I kept going and kept trying, eventually you end up having an injury that potentially ends your career." ani Murray.

Si Murray ay nanalo ng gold medal noong 2012 at 2016 Olympics gayundin ng  silver medal ng mixed doubles noong 2012.

Magugunitang noong 2012 ay tinalo niya si Roger Federer sa Olympic finals at matapos ang isang taon ay nag kampeon ito sa US Open.

Matatandaang nagpasya si Murray na magretiro na pagkatapos ng Olympics dahil sa mga tinamo nitong mga  injury noong 2019.