Alyssa Solomon itinanghal bilang ‘Best Opposite Spiker’

Jet Hilario
Photo Courtesy: SEA V.League (Spin.ph)

Matapos makasungkit ng Alas Pilipinas ang bronze medal sa kalabang Indonesia, itinanghal muli si Alyssa Solomon bilang Best Opposite Spiker sa SEA V.League Leg 2. 

Matatandang nasungkit ng Alas Pilipinas ang ikalawang sunod na bronze medal sa torneo na ginanap sa Nakhon Ratchisima, Thailand.

Ang National University hitter na si Solomon ay kinoronahan bilang top opposite spiker matapos niyang pangunahan ang Alas Pilipinas women squad sa score na  20-25, 25-20, 16-25, 25-20, 15-10.

Si Solomon ay nakapagtala ng kabuuang anim na puntos lamang sa kanilang unang dalawang laro ngunit bago matapos ang laban naging sunod-sunod na ang puntos nito na umabot sa  25 points. 

Ito na ang kanyang pangalawang indibidwal na parangal sa SEA V.League matapos maitanghal noong nakaraang taon na Best Opposite Spiker sa ikalawang leg, kung saan pinamunuan niya ang koponan na binubuo ng Lady Bulldogs.

Si Solomon din ang nag-iisang Filipino player na naging bahagi ng mythical team, na binuo ng back-to-back MVP na si Chatchu-on Moksri, na nanguna sa Thai