Algerian boxer Imane Khelif pasok na rin sa semi-finals

Jet Hilario
Photo Courtesy: One Sports

Pasok na rin sa semi-finals ng Paris Olympics ang Algerian boxer na si Imane Khelif matapos na matalo nito ang kalabang Hungarian boxer na si Anna Luca Hamori sa score na 5-0 via unanimous decision sa women's 66kg division quarterfinals. 

Matatandaang si Khalif ang naging sentro ng kontrobersya matapos ang kabi-kabilang maling akusasyon na myembro siya ng LGBTQIA+ community. Si Khalif ay isang babae.

Parehong agresibo ang dalawang boksingero sa palitan ng mga suntok, pero lamang pa rin ang mga binitawang suntok ni Khelif. 

Matapos ang laban ng dalawa ay mabilis na pinuntahan ni Khelif si Hamori at hinawakan ito sa kamay tanda ng pasasalamat at sporting gesture. 

Emosyonal namang niyakap ni Khelif ang  kaniyang mga coach paglabas niya sa ringside. 

Una nito ay nakatanggap na si Khelif ng mga isyu na may kinalaman sa gender eligibility nito matapos ang laban niya kay Italian boxer Angela Carini na tumagal lamang ng 46 seconds. 

Samantala, susunod na makakaharap ni Khelif ang Janjaem Suwannapheng ng Thailand  sa Agosto 7.