Alex Eala bigong makuha ang panalo sa quarter finals vs. Mexico

Jet Hilario
Photo courtesy: Alex Eala photos

Bigo ang Pinay tennis ace Alex Eala na makuha ang panalo sa quarterfinals ng W100 Cary tournament sa North Carolina laban kay Renata Zarazua ng Mexico, sa  matapos itong matalo sa three-setter game sa score na 3-6, 6-4, 6-3. 

Sa umpisa ng laban hanggang sa ikalawa ay nadodomina ni Eala ang laban sa score na 6-3 at 4-2, subalit bumawi si Zarazua at nanalo sa sumunod na apat na laro para makapasok ang laban sa ikatlong set.

Ito ay isang mahirap na laban na tumagal ng dalawang oras at 48 minuto upang matapos.

Matapos makuha ang unang set nang madali, 6-3, si Eala ay nagkaroon ng malakas na simula sa ikalawang set, umakyat sa 4-2. Gayunpaman, sa set No. 3, pumabor ang laban kay Zarazua at umangat ito sa score na  3-0.

Ito ang ikalawang sunod na quarter final exit ni Eala para sa Asian Games bronze medalist.

Matatandaang ilang araw pa lang ang nakalipas, nabigo din  siyang makakuha ng panalo sa final eight ng W100 Landisville.