Alas Pilipinas Men nasa sa Italy na para sa dalawang linggong training camp
Dumating na sa Italy ang Alas Pilipinas Men para sa dalawang linggong training camp para palakasin ang kanilang paghahanda sa FIVB Men's Volleyball World Championship sa susunod na taon.
Sa naturang training camp,makakaharap ng Alas Pilipinas Men ang mga italian volleyball squad.
"We play some matches there, not with the best team, kasi the best team, nasa competition na sila, pero yung team for the second level sa Italy, magaling pa nga sila sa amin," ani Frigoni
Itinuturing namang isang pribilehiyo ni Josh Ybañez ng UST Golden Spikers ang makapunta sa Europa at makalarao ang mga mahuhusay na Volleyball player sa Italya.
"Feel ko sobrang privileged namin kasi makakapunta kami sa Europe and we'll be able to play against sa mga player doon sa Italy and alam naman namin kung gaano sila ka-high yung level ng volleyball doon. "I'm looking forward na makalaro sila and maraming learnings na makuha from them," ani Ybañez.
Magugunitang bago tumulak patungong Italya ang Alas Pilipinas Men ay dumalo muna ang mga ito sa isang concert na inihanda ng Malakanyang bilang pagsisimula na rin ng countdown para sa pagho-host ng bansa sa 2025 FIVB Men's Volleyball World Championship sa susunod na taon.