Alas Pilipinas Men nagpapakitang gilas na

Jet Hilario
Photo courtesy: Sava from FB acct.

Nagsisimula nang magpakitang gilas ang Alas Pilipinas Men matapos ang  makasaysayang tagumpay ng koponan at ma-agaw ang bronze medal sa unang leg ng 2024 Southeast Asian Volleyball League (SEA V.League) matapos matalo sa Thailand noong Linggo, Agosto 18, sa Ninoy Aquino Stadium.

Ayon kay Italian coach Angiolino Frigoni, ang pagkapanalo ng Alas Pilipinas Men ng bronze medal sa  SEA VLeague ay isang magandang simula para sa kanila.

“It is a better start [to have a] bronze medal than start without a medal. But for me, we are just starting, we only played in this competition this year and to have a bronze medal in this competition is something good, and it’s something better than we don’t get it,” ani Frigoni.

Binigyang-diin rin ni Frigoni na marami pang dapat pagbutihin ang Alas Pilipinas, para makuha pa ang pinakamataas na panalo sa SEA V League.

“But I am not thinking of the bronze, I am thinking of how to improve this team. To play in the next competition better together, and a better goal,” dagdag pa ni Frigoni.

Samantala,nakuha naman ng Indonesia ang silver matapos manalo ng back-to-back gold sa 2023 edition.

Si Noel Kampton, ay gumawa ng 10 points, habang sina Leo Ordiales at Michaelo Buddin ay nag-post ng tig-pitong marka sa pagkatalo. 

Bukod sa ikatlong puwesto, naiuwi ni Buddin ang pangalawang Best Outside Spiker award, habang si Kim Malabunga ay tinanghal na pangalawang Best Middle Blocker sa unang leg.

Nanguna naman sa koponan ng Thailand ang magkasalungat na hitter na si Bhinijdee Napadet at middle blocker Nilsawai Kissada para sa Thais na may tig-14 puntos habang si Phanram Anurak ay nagsalpak ng 13 markers nang masungkit nila ang kanilang kauna-unahang titulo sa SEA V League.

Samantala, pinaghahandaan na ng Alas Pilipinas men ang 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championship  kung saan isasagawa ang SEA V.League second leg sa Indonesia sa susunod na linggo.