Alas Pilipinas mapapalaban sa FIVB Volleyball Men’s World Championship sa susunod na taon.

Rico Lucero
photo courtesy: abscbnnewsonline

Mapapalaban ng husto ang Alas Pilipinas sa FIVB Volleyball Men’s World Championship sa susunod na taon dahil sa bigat ng mga koponan na kanilang masasagupa dito, kaya naman isa rin ito sa pinaghahandaan ng bansa para makondisyon ang mga manlalaro nito. 

Gayunman, tiwala si Alas Pilipinas head coach Angiolino Frigoni na malaki ang tsansa ng kaniyang mga manlalaro na makapasok sa Championship. Base sa isinagawang draw, kabilang ang Pilipinas sa Group A kung saan kabilang din dito ang mga bansang Iran, Egypt, at Tunisia. 

Habang nasa Group B naman ang Poland Netherlands, Qatar at Romania. Nasa Group C naman ang France Argen­tina, South Korea at Finland Nasa Group D naman ang United States, Cuba, Portugal at Colombia.

Nasa Group E naman ang Slovenia, Germany, Bulgaria at Chile habang kabilang sa Group F ang Italy, Ukraine, Belgium at Algeria.

Nasa Group  G Japan Canada, Turkey at Libya samantalang nasa Group H  ang Brazil, Serbia, Czechia at China.

Positibo naman ang tanaw ni Frigoni, mayroong ibubuga ang kaniyang koponan kahit pa hindi magiging madali ang kanilang tatahaking daan lalo na sa mga kamay ng Egypt at Tunisia, kung saan ang Tunisia ay  11-time African Championship at kasalukuyang No. 24 sa world rankings habang ang Egypt naman ay nasa No. 20.

Bukod sa Egypt at Tunisia makakasagupa ng Alas Pilipinas ang 2023 Asian Champions at World No.15, ang bansang Iran.

Sinabi naman ni chief at Asian Volleyball Confederation (AVC) president Ramon “Tats” Suzara na ang paghohost ng bansa sa  FIVB Volleyball Men’s World Championship sa susunod na taon ay magiging makasaysayan dahil na rin sa hindi matatawarang suporta ng pamahalaan sa larong Volleyball. 

“It will be historic as the LOC [Local Organizing Committee] represents a unique ensemble of active and passionate participation from various sectors such as Government, corporate, sports industry changema­kers and trailblazers, and volunteers, all determined to deliver their best; all with hearts beating for the love of the game,” ani Suzara.

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
5
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
11
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
11
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
7
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
7
Read more

Angeline Colonia wagi ng ginto sa Asian Junior Weightlifting

AngelineColoniaPhilippineWeightliftingWeightlifting
7
Read more

Alas Pilipinas, sasagupa sa Thailand bukas sa SEA V.League Leg 1

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanShainaNituraEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasPhilippineVolleyballPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
4
Read more

Cone, naniniwalang handa ang Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup

CoachTimConeCalvinOftanaJuneMarFajardoChrisNewsomeGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
4
Read more

PSC Chair Gregorio, dumayo sa China para sa Gilas Pilipinas Women

GilasPilipinasWomenJohnPatrickGregorioAlPanlilioGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
13
Read more

June Mar Fajardo aminadong nahirapan sa depensa ng TNT

JuneMarFajardoJerichoCruzMarcioLasiterLeoAustriaAlfrancisChuaSanMiguelBeermenPBABasketball
5
Read more

Zamboanga Valientes hindi na itinuloy ang pagbili sa Terrafirma Dyip

BobbyRosalesWillieMarcialAtty.OgieNarvasaJunnieNavarroTerrafirmaDyipBasketball
6
Read more

Manny Pacquiao at Mario Barrios, kapwa humiling ng rematch

MannyPacquiaoMarioBarriosBuboyFernandezFreddieRoachPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
5
Read more

Alas Pilipinas may dapat matutuhan sa mga pagkakamali - Suzara

LeoOrdialesBryanBagunasMarckEspejoRamonSuzaraAlasPilipinasPhilippineVolleyballPNVFAVCVolleyball
9
Read more

Mario Barrios, magiging maingat pa rin sa laban kontra Pacquiao

MarioBarriosMannyPacquiaoWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationMPPromotionBoxing
10
Read more