58-year-old Chilean, natupad ang pangarap

Juan Karlo Libunao (JKL)
Photo (c) Paris 2024/IOC

Pinatunayan ng isang Chilean Table tennis player sa Paris Olympics na ang hindi batayan ang edad para makamtan ang pangarap na kanyang minimithi. 

Ito ngayon ang pangarap niyang makapaglaro sa Olympic ay natupad na. 

Sa edad na 58 years old ay humahataw pa rin sa paglalaro ng Table tennis si Zeng Zhiying. 

Bagaman hindi nagkapalad na makapasok agad sa finals ay masaya si Zeng dahil natupad naman ang kanyang pangarap na makapaglaro sa Olympic Games. 

Una siyang naglaro nitong nakaraang sabado subalit natalo siya ni Mariana Sahakian ng Lebanon sa iskor na, 1-4. 

Bago ang kaniyang laban ay nagpasalamat na si Zeng sa kniyang mga mahal sa buhay lalo na sa kanyang kapatid at Tatay na sinuportahan siya sa kaniayang laban. 

“I am grateful to my father and my brother. They have been paying attention to our game. I hope you will pay attention to me today. I am sure you are sitting by the TV and watching my game. They have already cheered me on yesterday and sent me the video. Now I will give you gifts with my best efforts,” 

Hindi man siya nakapag-uwi ng medalya para sa kaniyang bansa subalit maiuuwi naman niya ang pangarap na kaniyang inasam-asam - ang makapasok sa Olympic Games.